^

Bansa

Kasunduan ng UP-DND tinapos na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kasunduan ng UP-DND tinapos na
Si UP President Danilo Concepcion habang nagsasalita sa harap ng mga estudyante at faculty ng UP Diliman sa Quezon City na nagsagawa ng protesta makaraang putulin na ang UP-DND agreement.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Matapos ang 31 taon, pinutol na ng Department of National Defense (DND) ang kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa pagpasok ng mga sundalo at pulis sa mga campus kapag walang koordinasyon sa mga opisyal ng unibersidad.

Sa sulat ni DND Secretary Delfin Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion, sinabi nito na ang desisyon ay bunsod sa mga natanggap nilang ulat na may mga komunista ang nanghihikayat umano sa mga estudyante na sumapi sa kanila.

Ani Lorenzana, alam nila ang patuloy na recruitment sa loob ng UP campuses ng CPP-NPA, na idineklarang  terro­rist organization ng Uni­ted States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada at New Zealand.

Sabi pa ni Lorenzana, hindi na academic freedom ang ginagawa ng mga militanteng estudyante sa UP kundi ginagamit na ito bilang panghihikayat na sumama sa komunista.

Kailangan aniyang isakprisyo ang mahigit na tatlong dekada na kasunduan para mailigtas ang mga mag-aaral sa itinuturing na kalaban ng gobyerno.

Isa aniyang hadlang ang nasabing kasunduan para makapagbigay ng seguridad at kaligtasan sa mga mag-aaral.

Sinabi pa niya na ang UP ay naging isang “safe haven” para sa mga rebeldeng komunista na diumanoy nagre-recruit ng mga estudyante ng premier state university.

Hindi rin maikakaila ang pagdakip sa mga UP students na kumpirmadong miyembro ng CPP-NPA.

Mayroon aniyang mga UP students na sumasapi sa NPA kung saan ang iba sa kanila ay napapatay sa military operations.

Ang nasabing kasunduan ay inilunsad noong June 1989 sa ilalim ni da­ting Pangulong Corazon Aquino na nagbabawal sa mga militar at police na basta pumasok sa mga campuses ng UP ng walang paalam sa university administration.

Para kay Lorenzana, ang kasunduan ay “obsolete” o hindi na ginagamit.

Dagdag pa ni Loren­zana, aalamin din nila kung may katulad pang kasunduan sa ibang state university sa bansa.

Related video:

vuukle comment

UP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with