^

Bansa

Duterte ‘dinisinfect’ ang kamay ng Chinese Foreign Minister

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tila dinisinfect muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kamay ni Chinese Foreign Minister Wang Yi bago ito nakipagkamay nang mag-courtesy sa Malakanyang noong Sabado ng hapon.

Sa pagkikita ng dalawang lider, kitang-kita sa video na nag-sanitize muna si Duterte bago niya lagyan ng alcohol ang kamay ni Wang.

Ginawa rin ito ng Pa­ngulo sa iba pang mga opisyal na kasama ng foreign minister.

Si Wang ay nasa ban­sa para sa dalawang araw na official visit at sa nasabing courtesy call ay nanawagan ang Pangulo ng pinalakas na kooperasyon sa China sa gitna ng pandemya.

Bukod dito, nangako rin ang Presidente na palalakasin ang pagbangon ng ekonomiya ng parehas na bansa na epekto ng pandemya.

Inihayag naman dito ni Wang na magbibigay ang China ng 500,000 CO­VID-19 vaccine sa Pilipinas.

Bago ito ay nakipagkita muna si Wang kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., para sa bilateral meeting na sinundan ng signing of the guest book bago maki­pagpulong kay Duterte.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with