^
Patas na pamamahagi at access sa COVID-19 vaccine, giit ng CHR
Sinabi ito ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana dahil may mga local government units sa urban centers at metropolitan areas ang nakapila na at nag-uunahan para makabili ng bakuna.
STAR/Michael Varcas, file

Patas na pamamahagi at access sa COVID-19 vaccine, giit ng CHR

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na tiyaking magiging patas at pantay ang pamamahagi at access ng mamamayan sa COVID-19 vaccines.

Sinabi ito ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana dahil may mga local government units sa urban centers at metropolitan areas ang nakapila na at nag-uunahan para makabili ng bakuna.

Sinabi ni Gana na responsibilidad ng pamahalaan na matiyak na ang bakuna ay makakarating sa mga urban cities gayundin sa malalayong lugar sa bansa lalo na sa mga lugar na maraming kaso ng virus.

“There may be local government units with a host of infected residents who may not have resources to urgently procure vaccines. The national government must step in to maintain a balanced access to the Covid-19 vaccines,” dagdag ni Gana.

Anya ang bawat mamamayang Pilipino ay may karapatan na magkaroon ng maayos na kalusugan kasama na ang pagsasama sa bawat isa sa vaccination program ng gobyerno.

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with