Panukalang 2021 budget nasa Malacañang na

Nasa tanggapan na ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea at sisimulan ng busisiin ng legal team ni Pangulong Rodrigo Duterte.
STAR/File

MANILA, Philippines — Natanggap na ng Malakanyang ang kopya ng panukalang 2021 national budget.

Nasa tanggapan na ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea at sisimulan ng busisiin ng legal team ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiwala naman si Presidential spokesman Harry Roque na bago matapos ang taon ay ganap na itong maisasabatas.

Ayon pa kay Roque, sa inisyal nilang plano ay posible silang magsagawa ng ceremonial signing bago magPasko o Disyembre 23 o sa Disyembre 28 ngayong taon.

Huwebes ng gabi nang lagdaan ni Senate President Vicente Sotto III ang 9 na libro ng panukalang P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.

Show comments