48% pamilyang Pinoy nagsabing mahirap – SWS

MANILA, Philippines — Kinokonsidera ng 48 porsyento ng mga pamilyang Pilipino na mahirap sila nitong nagdaang Nobyembre.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS) sa 1,500 respondents na isinagawa nitong Nobyembre 21-25 nasa 36 porsyento ang nakaramdam ng “borderline poor” habang 16 porsyento lamang ang nagsabing hindi sila mahirap.

Mas mataas naman ito kumpara noong nakaraang taon na 54% ang nagsabing mahirap sila habang 23% ang “borderline poor” at 23% ang hindi mahirap.

Ayon din sa survey, 8.2% ang nagsabing “newly poor” o naghirap mula sa maayos na buhay.

Habang 5.3 porsyento ang nagsabing “usually poor” o lima o mahigit pang taong hindi mahirap at 34.7 porsyento ang “always poor” o hindi nakaranas ng maayos na buhay.

Show comments