Kalusugan ng mga ina, buntis, bata palakasin vs COVID-19

(Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang mapalakas ang paglaban sa COVID-19, inihayag ni Senate committee on health Sen. Christopher “Bong” Go na dapat ay malakas din ang katawan at may wastong nutrisyon ang mga Filipino, lalo ang mga nagbubuntis, nagpapadede ng anak at mga batang 5-anyos pababa.

Nabahala si Go na dahil sa pandemya, naapektuhan ang seguridad sa pagkain at ang malnutrisyon ng marami, lalo ang mahihirap na pamilya.

Kaya naman hiniling niya kapwa sa publiko at pribadong sektor na magtulungan upang mabigyan o magkaroon ng sapat na nutrisyon, partikular ang mga nasa na mahihirap na lugar at liblib na komunidad.

Iginiit ni Go sa Department of Health, na gamitin ang nakalaan nitong pondo para sa pagpapatupad ng Complementary Feeding Program.

Sa inisyatibang ito, aniya, dapat na isama ang mga nagbubuntis, kababaihan at mga bata lalo ngayong may pandemya.

Ipinunto ng senador na ang mga malnourished na bata ay madaling kapitan ng kahit ng mga karaniwang sakit bunga ng mahinang immune systems.

Patunay aniya rito ang ulat ng United Nations Children’s Fund na ang karamihan ng batang namamatay ay iniuugnay sa mahinang nutrisyon o pangangatawan dala na rin ng kahirapan.

Noong 2018, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11037, o ang Masustansyang Pagkain Para Sa Batang Pilipino Act, na lumilikha sa  national fee­ding program para sa mga undernourished kids sa public daycare centers, kindergarten at elementary schools.

UN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with