^

Bansa

AFP ‘di irerekomenda ang holiday ceasefire vs NPA

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
AFP �di irerekomenda ang holiday ceasefire vs NPA
Ayon kay AFP Spokesman Maj. Gen. Edgard Arevalo, ilang ulit nang nagpakita ng kawalan ng sinseridad ang mga komunista kapag nagdedeklara ng holiday truce ang pamahalaan.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Walang balak ang Armed Forces of the Phi­lippines na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng ceasefire sa CPP-NPA ngayong holiday season.

Ayon kay AFP Spokesman Maj. Gen. Edgard Arevalo, ilang ulit nang nagpakita ng kawalan ng sinseridad ang mga komunista kapag nagdedeklara ng holiday truce ang pamahalaan.

Taun-taon ay lumalabag aniya ang mga komunista sa kanilang sariling ceasefire declaration.

Ayon kay Arevalo, pumapasok lamang sa peace talks ang mga komunista para sila ay magkaroon ng tsansa na mag-regroup at mag-recruit ng mas maraming miyembro.

Giit ni Arevalo, hindi nila papayagan na linla­ngin sila ng makakaliwang grupo hanggang hindi nagagapi ang tunay na utak ng karahasan.

Batay sa record ng militar, napatay ang isang sundalo at sugatan ang walo nang umatake ang NPA sa Camarines Sur at  Iloilo, ilang araw bago mag-Pasko.

Anang AFP, paglabag ito sa holiday ceasefire.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with