^
'Sama ng panahon' namataan malapit sa Sorsogon, tinutumbok ang Bicol, Samar
Satellite image ng low pressure area (LPA) na namataan sa layong 100 kilometro silangan ng Juban, Sorsogon bandang 3 p.m. ngayong Miyerkules
Screengrab mula sa https://earth.nullschool.net/

'Sama ng panahon' namataan malapit sa Sorsogon, tinutumbok ang Bicol, Samar

(Philstar.com) - December 2, 2020 - 5:50pm

MANILA, Philippines — Isang sama ng panahon ang patuloy na lumalapit sa kalupaan ng katimugang Luzon at Visayas habang patuloy na umiiral sa silagan ng Kabikulan, Miyerkules.

Natagpuan ang low pressure area (LPA) sa layong 100 kilometro silangan ng Juban, Sorsogon bandang 3 p.m. kanina ayon sa huling ulat ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas.

"Sa kasalukuyan, 'yung kanyang trough o extension ay nagdudulot po ng mga pag-ulan sa Bicol Region, ilang bahagi ng MIMAROPA, sa Visayas at sa Western Mindanao," ani Rojas kanina.

"Ito pong LPA na ito ay mababa ang tiyansa na maging isang bagyo at posibleng malusaw pagtama sa kalupaan either diyan sa northern part ng Samar or sa Bicol Region."

Kahit pwedeng malusaw din, tinatayang mag-iiwan pa rin ito ng mga kaulapan bukas na maaaring magpaulan sa gitnang bahagi ng Pilipinas.

Maliban sa LPA, wala pa naman nakikitang sirkulasyon na posibleng maging sama ng panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Gayunpaman, binabantayan ngayon artikular ang mga "cloud clusters" sa gawing timogsilangan sa labas ng PAR.

Bukod sa LPA, nagdudulot din ngayon ng masungit na panahon ang "tail-end ng frontal system" sa may Hilagang Luzon.

"Ang tail-end ng frontal system ay ang banggan ng mainit at basang hangin galing po sa Dagat Pasipiko at malamig na Hanging Amihan," saad pa ni Rojas, habang ipinaliliwanag na magdadala ito ng malalakass na pag-ulan.

Kahapon lang nang isiwalat ng state weather bureau na posibleng pumasok pa ng PAR ang dalawang bagyo bago magtapos ang taong 2020, bagay na papangalanang "Vicky" at "Warren" — mga weather disturbance na aapekto raw sa Rehiyon ng Bicol, Visayas, Northern Mindanao at MIMAROPA.

May kaugnayan: PAGASA: 1-2 more storms could hit the country before year ends

Papatinding lamig dulot ng Hanging Amihan

Habang papalapit nangpapalapit ang Kapaskuhan, kapansin-pansin na rin ang dahan-dahang pagbaba ng temperatura sa bansa dulot na rin ng pag-iral ng Hanging Amihan sa ngayon na primaryang tumatama sa ilang bahagi ng Luzon.

Dahil diyan, naitala ang mga sumusunod na pinakamalalamig na klima sa sumusunod na lugar ngayong ika-2 ng Disyembre:

  • La Trinidad, Benguet (12.6°C)
  • Baguio City (14.5°C)
  • Basco, Batanes (17.5°C)
  • Marawi City (17.7°C)
  • Malaybalay City (18°C) 

— James Relativo

AMIHAN LOW PRESSURE AREA PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with