Pamamasko, reunion at buffet iwasan - DOH
Ito’y dahil may potensiyal na magpataas pa ng kaso ng COVID-19 ang pag-iimbita ng taga-ibang lugar o hindi kasama sa bahay.
AFP/Ted Aljibe

Pamamasko, reunion at buffet iwasan - DOH

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na kung magdaraos ng Christmas party ay sa sariling bahay na lang at walang bisita kundi kapamilya lang ang kasalo.

Ito’y dahil may potensiyal na magpataas pa ng kaso ng COVID-19 ang pag-iimbita ng taga-ibang lugar o hindi kasama sa bahay.

“‘Wag na muna magkaroon ng pagtitipon-tipon... ‘wag na muna magkaroon ng pagpunta sa kamag-anakan this coming holiday dahil ‘yan ay napaka-risky at maaring magdulot ng pagtaas uli ng kaso sa ating bansa,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kahit aniya sa bahay lamang ang party, dapat pa ring sundin ang minimum health protocols at physical distance.

Hindi rin umano dapat na gawing buffet style ang kainan.

Samantala, pinayuhan din ni Vergeire ang local at national government agencies na huwag munang magsagawa ng outreach programs na lilikha ng pagtitipun-tipon ng mga tao.

Kung hindi maiiwasan, dapat na pairalin na lamang ang mahigpit na physical distancing, pagsusuot ng face masks at shields at limitahan lang ang bilang ng tao  sa  o pagdarausan ng aktibidad.

Una nang nagpahayag si Vergeire na sa well-ventilated areas o open spaces idaos ang selebrasyon ngayong holiday season bagama’t hanggang 10 katao lang ang pinapayagan sa mga lugar na nasa ilalim sa general community quarantine (GCQ) at 50 katao sa MGCQ areas.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with