UV lights disinfection devices vs COVID-19 may panganib – FDA

Ayon sa FDA, hindi inirerekomenda ng International Commission on On-Ionizing Radiation ang paggamit ng UV lamps sa ‘consume’ o ‘personal use’.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Food and Drug Admi-nistration (FDA) laban sa paggamit ng ultraviolet (UV) emitting devices na ginagamit sa disinfection laban sa COVID-19.

Alinsunod sa inilabas ng World Health Organiza- tion, ang UV radiation ay magdudulot ng skin irritation at pinsala sa mga mata kapag natamaan.

Ayon sa FDA, hindi inirerekomenda ng International Commission on On-Ionizing Radiation ang paggamit ng UV lamps sa ‘consume’ o ‘personal use’.

May 3 uri ng wavebands ang UV na iba’t iba ang epekto.

Ang UV-A (100-280 nm) o Soft UV ay may epekto sa skin aging at iba pa; UV-B (280-315 nm) may epekto ng sunburn, skin cancer at cataracts; habang ang UV-C 9100-280 nm na karaniwang gamit sa ‘germicidal’ o ‘disinfection lamps ay maaaring magdulot ng sunburn at eye injury na photokeratitis.

Show comments