Wala pang COVID-19 vaccine sa Pinas - DOH
Iginiit ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na para ma­a­prubahan ang anu­mang uri ng bakuna, kailangan na dumaan muna ito sa clearance ng Vaccine Experts Panel (EVP), Ethics Board at ng Food and Drugs Authority (FDA) saka lamang mabibigyan ng karapatan para magbenta nito sa loob ng bansa.
AFP/Yaksin Akgul

Wala pang COVID-19 vaccine sa Pinas - DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala pang naaapru-bahang bakuna para sa COVID-19 sa Pilipinas, paglilinaw ng Department of Health (DOH).

Iginiit ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na para ma­a­prubahan ang anu­mang uri ng bakuna, kailangan na dumaan muna ito sa clearance ng Vaccine Experts Panel (EVP), Ethics Board at ng Food and Drugs Authority (FDA) saka lamang mabibigyan ng karapatan para magbenta nito sa loob ng bansa.

Kinakailangan umano ang mga proseso na ito upang matiyak na ligtas at epektibo ang bakuna.  Katulad din ito ng mga gamot na ibinebenta sa bansa ng mga internasyunal na pharmaceutical companies.

“Sa ngayon, wala pang registered na COVID-19 vaccine sa FDA kaya dapat mag-ingat po ang ating mga kababayan,” dagdag ni Vergeire.

Ito ay makaraan ang ulat na nagpabakuna na sina Sen. Panfilo Lacson at House Majo-rity Leader Rep. Martin Romualdez laban sa COVID-19 dahilan para magbabala ang DOH sa mga manufacturers at distributors.

Tumaas din ang pag-asa ng publiko sa bakuna makaraan ang magandang resulta ng bakuna ng mga international pharmaceutical compa­nies kabilang ang Pfizer at Bio­NTech na nagsabi na nasa 95% ang pagiging epektibo ng kanilang produkto. Nasa 94.5% naman ang baku-na ng isa pang kumpan- ya na Moderna.

Sinabi ng DOH na naiintindihan nila ang kasabikan ng publiko na makapagpabakuna dahil sa nais nang matapos ang sitwasyon sa pandem­ya ngunit hindi umano tama na hindi dumaan sa tamang regulasyon ng pamahalaan. 

 

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with