MANILA, Philippines — Handa ang 66 porsyento ng mga Pinoy na magpabakuna laban sa COVID-19, batay sa survey ng Social Weather Station (SWS).?Sa survey na ginawa noong Setyembre 17-20, 31 porsiyento naman ang ayaw magpabakuna.
Lumabas din sa survey na mas nais ng mga Filipino ang bakuna kontra COVID-19 kaysa Dengvaxia.
Sa pag-aaral nitong 2019, 62% ng mga Filipino ang hindi sang-ayon sa pagbebenta ng Dengvaxia sa bansa.
Karamihan sa resulta ay mula sa Mindanao na may 73% na sinundan ng Visayas, 69%; Metro Manila, 64%, at Balance Luzon, 61 porsyento.
Mas mataas naman ang porsyento ng kalalakihang nais mabakunahan kaysa kababaihan.
Sa mga sumagot sa survey, 70 porsyento na nais mabakunahan ay may edad na 25-34 habang 68% ang may edad na 18-24; 65 porsyento ay 45-55 taong gulang; at 61% ang 35-44 taong gulang.