^

Lacson sa Kamara: P620 milyon-P15 bilyon kada infra budget ng solons ipaliwanag!

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ni Sen. Panfilo Lacson ang Kamara sa inaprubahan nitong infrastructure projects sa mga congressional districts na nakapaloob sa P4.5 trillion national budget kung saan nasa P620-M hanggang P15 billion ang alokasyong nakita sa bawat kongresista.

Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang P659 Billion budget para sa Department of Public Works and Highway (DPWH), sinabi ni Lacson na halos kabuuan ng pondo ay alokasyon sa mga distrito ng mga kongresista.

Pabiro nitong sinabi na ang insertions ng mga senador ay lumalabas na parang barangay kagawad lamang kumpara sa insertions na ginawa ng Kamara.

“Colleagues, all I can say is, pity yourselves, those of us who may have individual insertions, it will make you look like barangay kagawads compared to our House counterparts. You see, from a high of P15.351 billion to a low of P620 million,” sabi ni Lacson.

Malinaw umano na may kumpas ng House Leadership ang paghahanda sa budget at kung sinu-sino ang makakakuha ng may malalaking pondo kaya mali na ibaling ang sisi sa DPWH dahil malinaw na ang mga congressman ang gumawa ng listahan.

Sinabi ni Lacson na hindi pa dapat magbunyi ang mga kongresista sa kanilang malaking 2021 budget. Aniya, bagama’t naisumite na sa plenary ang DPWH budget ay maaari pa itong amyendahan at baguhin bago ang second reading at sa bicameral conference meeting.

Sa House Speakership row kamakailan ay ginawang isyu kay dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ng mga kaalyado ni Velasco na sina Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves, 1 Pacman Partylist Rep, Mikee Romero at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon ang hindi pantay-pantay na infrastructure allocation sa budget at inakusahan ng mga ito si Cayetano na pinaboran ang ilang mambabatas subalit sa pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco naipasa sa Kamara ang 2021 budget.

PANFILO LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with