Pagbili ng bakuna sa China, government to government

Sinabi pa ng Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon na siya ng pagpupulong kay Chinese Ambassador Huang Xilian.
AFP/Nicolas Asfouri

MANILA, Philippines  — Government to go-vernment ang gagawing pagbili ng Pilipinas ng CO-VID-19 vaccine sa  China.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, nais niya na maiwasan na magkaroon ng korapsiyon sa transaksyon.

Tiniyak din ng Pangulo na magbabayad ang gob-yerno at hindi manghihingi.

Ayaw ng Pangulo na magkaroon ng transaksyon sa mga pribadong negosyante dahil malaki ang tsansa na magkaloko-loko ang kasunduan.

Sinabi pa ng Pangulo na nagkaroon na siya ng pagpupulong kay Chinese Ambassador Huang Xilian.

Nakahanda na aniya ang bakuna at ang pinag-uusapan na lamang nga-yon ay kung paano ang distribusyon nito.

Show comments