COVID-19 cases sa bansa 362,243 na habang 40.3-M sa buong mundo
Naglalakad ang mga taong ito kasabay ng ilang healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-28 ng Hulyo, 2020
The STAR/Edd Gumban, File
COVID-19 cases sa bansa 362,243 na habang 40.3-M sa buong mundo
James Relativo (Philstar.com) - October 21, 2020 - 3:54pm

MANILA, Philippines — Bagama't hindi na 'singdami ng dati ang kasalukuyang daily increase, walang-puknat pa rin sa pagpasok ang mga panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas sa ika-32 linggo ng quarantine.

Nakapag-ulat pa kasi ng 1,509 panibagong pasyente ng sakit ang gobyerno, bagay na nag-aakyat sa kumpirmadong kaso sa 362,243.

Umabot diyan ang tally matapos makapagsagawa ng COVID-19 tests sa halos 4.2 milyong katao sa bansa. Sa kabila niyan, 13 laboratoryo ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang mga ulat.

Karamihan sa mga newly reported cases ay nanggaling sa mga sumusunod na lugar:

  • Rizal (83)
  • Cavite (82)
  • Lungsod ng Maynila (66)
  • Lungsod ng Baguio (65)
  • Lungsod ng Iloilo (57)

Hindi man lahat 'yan ay may COVID-19 pa rin, nasa 43,990 ang sinasabing aktibong kaso pa rin magpahanggang sa ngayon.

"41 duplicates were removed from the total case count. Of these, 31 recovered cases and 3 deaths have been removed," dagdag ng DOH sa isang pahayag.

"Moreover, 16 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

Yumao naman na sa ngayon ang 6,747 dahil sa virus, bagay na mas marami ng 60 kumpara sa total local deaths noong Martes.

Higit na nakararami naman ang gumagaling mula sa COVID-19, na pumapatak na ngayon sa 311,506. 'Yan ay pagkaraang umigi ang lagay ng 911 pang katao.

Kanina lang ng kumpirmahin ng commissioner ng PBA na si Willie Marcial na isa sa mga referee ng naturang basketball league ang tinukoy bilang COVID-19 "suspect case."

Sa kabila niyan, tiniyak niyang ligtas pa rin ang mga players at lahat ng delegado habang nagpapatuloy ang mga laro sa naturang Clark "bubble."

"Huwag po kayo mag-alala. Ginagawa po namin [ang] lahat [para sa] proteksyon ng mga players at lahat ng delegates po dito," ani Marcial, Miyerkules.

"Makakaasa po kayo. Gagawin po namin ang lahat para maging successful ang bubble na ito."

Kasalukuyan namang dinala sa Athlete's Village sa Capas, Tarlac ang nasabing referee.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang magiging laro ng Northport laban sa NLEX at Phopenix kontra Ginebra mamaya.

Sa ngayon, 40.25 milyon na ang dinadapuan ng kinatatakutang virus sa buong daigdig. Sa bilang na 'yan, 1.11 milyon na ang namamatay, ayon sa World Health Organization (WHO). — may ulat mula sa ONE News at News5

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with