Sabong ok na sa MGCQ

MANILA, Philippines  — Maaari nang magdaos ng sabong sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, puwede na ang ope­rasyon ng licensed cockpit sa mga nasa MGCQ pero bawal ang mga manonood.

Ang puwede lamang na nasa sabungan ay ang naghahawak ng mga magsasabong na mga manok.

Bawal din ang broadcast at online na sabong samantalang dapat may superbisyon ng lokal na pamahalaan ang mga idaraos na sabong.

Bukod sa sabong, pinapayagan na rin ang mga beach volleyball tournaments pero dapat sundin ang kondisyon ng Philippine Super Liga sa ilalim ng sports bubble concept.

Pwede na rin ang ope­rasyon ng off-track horse race betting stations sa mga lugar sa ilalim ng GCQ o mas mababa pang klasipikasyon.

Show comments