Beep cards ipamigay ng libre – Duterte

Sa kanyang televised message kamakalawa ng gabi, binanggit ng Pangulong Rodrigo Dutert ang reklamo ng mga ordinaryong mamamayan na naapektuhan sa paggamit ng Beep card na kailangang bayaran at lagyan ng load bilang pamasahe.
The STAR/Felicer Santos

MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipamigay ng libre ang mga Beep cards kasabay nang pagpapatupad ng cashless payments sa mga bus.

Sa kanyang televised message kamakalawa ng gabi, binanggit ng Pangulo ang reklamo ng mga ordinaryong mamamayan na naapektuhan sa paggamit ng Beep card na kailangang bayaran at lagyan ng load bilang pamasahe.

Kinuwestiyon ng Pangulo kung bakit kailangang pabayaran pa ang mismong card gayong bilyun-bilyong piso ang nauuwi sa korapsiyon.

Pero nilinaw ng Pangulo na ang mga commuters na ang dapat sumagot sa pagpalagay ng load sa Beep card.

Kakausapin ni Duterte si Transportation Secretary Arthur Tugade tungkol sa Beep cards na ipamimigay ng libre.

Sinabi rin ng Pangulo na nakikita nila kung paaano nakakaapekto sa mga mamamayan ang pandemiya.

Trabaho aniya ng gobyerno na agad na umaksiyon kung may solusyon naman para mapagaan ang buhay ng mga mamamayan.

Nauna rito, inihayag ng Beep cards provider na AF Payments Inc. (AFPI) na hindi nila maaaring pagbigyan ang kahilingan ng Department of Transportation (DOTr) na tanggalin na ang card fees dahil kailangan din nila ng pambayad sa logistics, production, initialization, printing at distribusyon. 

Related video:

Show comments