Magsasaka sa Negros Occidental 'pinugutan ng ulo'; militar sinisisi
Satellite image ng Kabankalan City, Negros Occidental mula sa kalawakan
Google Maps

Magsasaka sa Negros Occidental 'pinugutan ng ulo'; militar sinisisi

(Philstar.com) - September 29, 2020 - 6:29pm

MANILA, Philippines — Kinastigo ng iba't ibang progresibong grupo ang nangyaring pamumugot sa ulo ng isang sibilyang pesante sa Kabisayaan kamakailan, bagay na kanilang idinidiin ngayon sa kasundaluhan.

Sa pahayag ng Defend Negros #stoptheattacks network, Martes, tinukoy ang biktima bilang si Bernardo Guillen matapos makita ang kanyang mga labi sa Sitio Amian, baranggay Tan-awan, Kabankalan City, Negros Occidental.

Ayon aniya sa pamilya ni Guillen, kinuha ng Philippine Army ang biktima noong ika-17 ng Setyembre matapos ang engkwentro sa New People's Army (NPA). Sabado na nang  matagpuan ang bangkay.

Itinuturing si Guillen bilang ika-275 magsasakang biktima ng exxtrajudicial killings sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa grupong SAKA (Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo).

Ipinagbabawal 1949 "Geneva Convention Relative to the Treatment of Prisoners of War" ang pamumugot o pamumutol ng parte ng katawan lalo na kung wala itong kinalaman sa panggagamot at bagkos nasa konteksto ng armadong tunggalian.

"It also states that the prohibition of mutilation is recognized as a fundamental guarantee for civilians and persons hors de combat by Additional Protocols I and II," ani Ariel Casilao, spokesperson ng Defend Negros.

"Mutilation constitutes a war crime in both international and non-international armed conflicts under the Statute of the International Criminal Court."

Inihalintulad ng grupo nina Casilao ang nangyari kay Guillen sa sinapit ng tatlong "martir" ng Bakun, Benguet noong 1985 sa ilalim ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, lalo na't pare-pareho silang pinagpupugutan ng ulo.

Kasama sa mga nasabing namatay noon ay sina Soleded Salvador, Fr. Nilo Valerio, SVD at Resteta Fernandez, na noo'y kasama ng ilang rebelde. Natagpuang nakatusok sa mga poste ang kanilang mga ulo ngunit hindi na natagpuan ang mga katawan.

Umaapela naman ngayon ang Defend Negros sa United nations Commissin on Human Rights (UNCHR) at International Criminal Court (ICC) upang idagdag ang pangyayaring ito sa "mahabang listahan" diumano ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Matatandaan isinailalim ni Digong ang Negros Occidental, kasama ang Negros Oriental, Samar at rehiyon ng Bicol sa Memorandum Order 32 noong 2018 para supilin ang "lawless violence" at "acts of terror" sa nasabing lugar sa pamamagitan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Nakikipag-ugnayan na ang PSN sa Commission on Human Rights patungkol dito habang nangangako ang kanilang tanggapan na magsasalita pagdating sa insidente.

Wala pa namang pahayag ang Army, Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense sa nasabing paratang. — James Relativo

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS HUMAN RIGHTS NEGROS OCCIDENTAL NEW PEOPLE'S ARMY PHILIPPINE ARMY RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with