Duterte papagitna kina Cayetano at Velasco
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang kakausapin ng personal ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco tungkol sa isyu ng Spea­kership, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Bagaman at hindi tiyak ni Roque kung kailan magaganap ang pag-uusap, pero inalala nito na sa huling ulat sa bayan ng Pangulo sa Davao ay binanggit niya na posibleng kausapin ang dalawang mambabatas.

Sabi ni Roque, hindi rin niya masabi kung ngayong linggo magaganap ang pag-uusap bagaman at kinumpirma na nakabalik na sa Maynila ang Pangulo.

Maaari rin aniyang paya­gan si Roque na isiwalat ang magaganap na meeting sa mismong araw.

Ayon pa kay Roque, nag-iingat siya pagdating sa isyu ng speakership, pero gusto sana ng Pa­ngulo na masunod kung ano ang napagkasunduan bagaman at aminado rin ito na kailangang suportado ng mga mambabatas si Velasco upang mapalitan si Cayetano.

 

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with