100 pekeng Facebook accounts ng PNP, AFP tinanggal
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit 100 pekeng accounts ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang tinanggal ng Facebook dahil sa “coordinated inauthentic behavior” (CIB).

Ayon kay Nathaniel Gleicher, cybersecurity policy chief ng FB, ang mga fake accounts na hawak ng mga taong may koneksiyon sa pulis at militar ay ginagamit sa pagbatikos sa oposisyon, activism, at communism.

Sinabi ni Gleicher na ang domestic network ng PNP at AFP sa Facebook ay umaabot sa 57 accounts, 31 pages at 20 Instagram accounts. Ang mga accounts ay may 276,000 followers at 55,000 sa Instagram.

Nagsimula maging aktibo ang network noong 2019 sa kasagsagan ng usapin sa Anti-Terrorism Act.

Ani Gleicher, natukoy nila na ang mga links ay kunektado umano sa PNP at AFP.

Ang unang network ay na-trace na grupo ng mga indibiduwal sa Fujian, China habang ang ikalawa ay layong magkaroon ng koneksiyon sa mga Filipino sa Southeast Asian region.

Tinutukoy ng mga pekeng accounts ang isyu sa West Philippine Sea, interes ng Beijing sa pagsuporta kay President Rodrigo Duterte at ang posibleng pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 ni Davao Mayor Sara Duterte-Carpio.

Binigyan diin ni Gleicher na ito ang unang pagkakataon na tinukoy ng Facebook ang PNP at AFP na umano’y nasa likod ng fake accounts.

AFP FACEBOOK PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with