Duterte umuwi na sa Davao

MANILA, Philippines  — Matapos ang ilang araw na pananatili sa Ma­lakanyang, umuwi na sa Davao City si Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, umuwi ang Pangulo sa Davao noong Biyernes ng gabi.

Sinabi pa ni Roque na ngayong araw ng Lunes ay pupulungin ni Pangulong Duterte ang ilang Cabinet officials sa Davao City.

Ang pagpupulong umano ay para talakayin ang problema sa COVID-19.

Nabatid na ngayong Lunes, Setyembre 21 ay may talk to the nation ang pangulo.

Show comments