Face masks nire-recycle, ibinebenta uli

Kasabay nito, muling ipinaalala ni Vergeire sa publiko ang pagsunod sa inilabas nilang panuntunan sa tamang paggamit at pagtatapon o ‘safety disposal’ ng mga face masks at mga PPEs (personal protective equipments).
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines  — Upang mas makasiguro sa kaligtasan, pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na sa mga botika o mga medical supplies store na lamang bumili ng face masks kasunod ng natanggap na ulat na inire-recycle umano ito at muling ibinebenta ng mga tiwaling negosyante.

Kinumpirma ni Health Undersecretary at Spokespeson Maria Rosario Vergeire na may natanggap na silang ganitong impormasyon ngunit nilinaw niya na hindi pa ito kumpirmado.

“We have received this kind of information yesterday and pinag-uusapan nga namin,” ayon kay Vergeire.

Kasabay nito, muling ipinaalala ni Vergeire sa publiko ang pagsunod sa inilabas nilang panuntunan sa tamang paggamit at pagtatapon o ‘safety disposal’ ng mga face masks at mga PPEs (personal protective equipments).

Kailangan umano na nakahiwalay sa isang plastic bags ang mga gamit ng face masks o PPEs para mas matutukoy ang mga ito at makakapag-ingat ang mga humahawak ng mga basura. Maaari ring sirain o gupitin muna ang mga face masks para hindi na maipagbili muli.

Show comments