Umatras na PhilHealth exec handa nang ‘kumanta’

MANILA, Philippines — Haharap na umano sa pagdinig ngayong araw sa Senado ang dating executive assistant ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president Ricardo Morales.

Si Etrobal Laborte, na dating Marine colonel ay nagbitiw sa PhilHealth dahil sa umano’y mag-aaral na muli.

Ayon sa source, ika­kanta na ni Laborte ang lahat ng nalalaman tungkol sa mga nakukuwestyong transaksyon sa PhilHealth.

Haharap sana si La­borte sa pagdinig sa Senado noong nakaraang linggo subalit bigla itong nag-log out sa video at umurong dahil sa umano’y mga nararamdamang pagbabanta at mga sumusunod sa kanya.

Si Laborte din ang nagbigay ng impormas­yon kay Sen. Panfilo Lacson tungkol sa balak ng PhilHealth na bumili ng 15 computer system network na nagkakahalaga ng P320,000 subalit ang market price ay P62,000 lamang kada isa.

Show comments