P2.4 bilyong itinabi ng DOH pambili ng bakuna

MANILA, Philippines — Nagtabi na ang Department of Health (DOH) ng inisyal na P2.4 bilyong pondo para sa pagbili ng mga bakuna kontra sa COVID-19 sa oras na matapos na ito at maging handa na sa paggamit.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangako na ng bakuna para sa 20 milyong tao o 20 porsyento ng populasyon ng bansa ang mga kausap nilang manufacturers. Maaari pa naman umano itong magbago kung madadagdagan o liliit.

Nitong Hulyo 31 unang inihayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Finance Secretary Carlos Dominguez III na nasa 40 milyong doses ng bakuna ang ilalaan sa Pilipinas bago mag-Disyembre. Karamihan sa mga ito ay mula sa China.

Show comments