Ekonomiya ng Pinas sumadsad
Sinabi ni Philippine Statistics Authori­ty (PSA) Usec. Claire Den­nis Mapa, pinaralisa ng mga lockdown ang mga domestic activities lalo na noong ipinairal ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang high-risk areas mula Marso 17 hanggang Mayo 15 at sinundan ng modified enhanced community quaran­tine hanggang Mayo 31.
Michael Varcas
Ekonomiya ng Pinas sumadsad
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumadsad ng 16.5 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas sa second quarter ng 2020 o mula Abril hanggang Hulyo, kasabay ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Philippine Statistics Authori­ty (PSA) Usec. Claire Den­nis Mapa, pinaralisa ng mga lockdown ang mga domestic activities lalo na noong ipinairal ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang high-risk areas mula Marso 17 hanggang Mayo 15 at sinundan ng modified enhanced community quaran­tine (MECQ) hanggang Mayo 31.

“Gross domestic product declined by 16.5 percent in the second quarter of 2020. This is the lowest reported quarterly growth starting in the 1981 series,” ani Usec. Mapa.

Dahil dito, opisyal nang nasa recession ang bansa, na huling nangyari 30 taon na ang nakalilipas.

Nangyayari ang recession kapag parehong negatibo ang growth ng isang ekonomiya sa magkasunod na quarter.

Sa nakaraang first quarter, unang bumagsak sa negative level na -0.7 ang GDP ng bansa, ang kauna-unahang naitala mula noong 1998.

Ayon kay Usec. Mapa, inaasahan nilang papalo naman ang gross domestic product (GDP) sa 1.9 percent sa second half o kalagitnaan ng taon.

Pero maaari pa uma­nong magbago lalo ang mga data na hawak nila ay hanggang Hulyo pa lamang at mahirap magbigay ng mas malinaw na projections para sa Agosto.

Related video:

EKONOMIYA MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with