Pinas nangunguna na sa COVID-19 cases sa Southeast Asia
Kahapon, nakapagtala naman ang Indonesia ng 118,753 kabuuang kaso na may 5,521 nasawi at 75,645 recoveries.
Edd Gumban
Pinas nangunguna na sa COVID-19 cases sa Southeast Asia
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naunahan na ng Pilipinas ang Indonesia na may pinakamaraming bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa South­east Asia makaraang maitala ito kahapon sa 119,460 kabuuang kaso.

Kahapon, nakapagtala naman ang Indonesia ng 118,753 kabuuang kaso na may 5,521 nasawi at 75,645 recoveries.

Mas mababa naman ang death toll ng Pilipinas na nasa 2,150 lamang at may kabuuang bilang ng recoveries na 66,837.

Aminado naman dito ang Department of Health (DOH) ngunit ipi­nagmalaki nila na ang mas mataas na bilang ng kaso ay dahil sa nanguna na rin ang Pilipinas sa may pinakamaraming COVID-19 testing na na-isagawa sa 99 nilang testing laboratories.

Sa datos ng DOH ni­­tong Agosto 4, may 1,643,539 tests na umano silang naisagawa na may average na 28,938 kada araw sa loob ng nakalipas na pitong araw.

Mas mataas ito kum­para sa 908,000 tests na naisagawa ng Indonesia noong Agosto 4 na may average umano na 14,291 tests sa nakalipas na pitong araw base sa Our World in Data.

Nasa 1.5% rin umano sa populasyon ng Pilipinas ang naisagawang tests ng DOH kumpara sa 0.34% ng populasyon na naisagawa ng Indonesia.

COVID-19 SOUTHEAST ASIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with