Senate probe ikakasa sa sobrang singil sa tuition fees
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Sen. Imee Marcos ang umano’y sobrang singil sa tuition fee ngayong dara­ting na pasukan.

Ayon kay Marcos, du­marami ang reklamo ng mga magulang at estudyante na nag-enroll sa mga kilalang unibersidad sa Metro Manila hinggil sa mga matrikula na sa kanilang palagay ay hindi naman mapapakinaba­ngan dahil sa pandemya.

Naniniwala ang senador na dapat mas mababa ang matrikula dahil ‘home schooling’ ang mangyayari at online class ang isasagawa dahil nga bawal pang pumasok sa mga eskuwelahan.

Hindi na rin umano kailangan pang pabayaran ang napakaraming mga miscellaneous fee sa mga pasilidad ng eskwelahan at serbisyo na hindi naman magagamit sa online classes.

Dahil dito, nakakasa na sa ilalim ng Senate Resolution 480 ang imbestigasyon at kanyang ipapatawag ang Commission on Higher Education

kapag hindi naaksyunan ang mga reklamo bago magbukas ang mga klase sa huling linggo ng Agosto.

Kabilang sa mga reklamo ay ang mga nakasingit na miscellaneous fee para sa paggamit umano ng classroom-based internet, kuryente, laboratoryo, libraries, medical at mga dental clinic.

IMEE MARCOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with