Mga tanggapan ng GSIS sarado

Sa rami ng empleyadong may COVID-19

MANILA, Philippines — Sarado ang head office ng Government Service and Insurance System (GSIS) sa Pasay City at sangay nito sa Quezon City matapos matukoy na maraming kawani ang tinamaan ng COVID-19.

Simula sa Hulyo 27-29 ay hindi magbubukas ang mga nasabing tanggapan, sa utos ni GSIS President at General Manager Rolando Macasaet.
“Despite the closure, our employees will continue to work remotely under alternative work arrangements. Our members, pensioners  and other clients may transact with us through our online facilities for loans and claims by emailing the required documents to the designated email addresses published in our website. Pensioners may also submit the requirements for the Annual Pensioners’ Information Revalidation (APIR) via email. We will interview them through Viber, FB messenger, Skype or Zoom after we have received their requirements,” ani Macasaet.

Bukod sa nagpositibong 55 empleyado ng GSIS, patuloy pa ang pagsasailalim sa swab testing sa lahat ng empleyado ng GSIS, at ang mga nakapila sa kanilang schedule ay inadjust na sa mas maagang pagsasalang sa test upang agad matukoy kung ilan pa ang nahawa, ayon sa GSIS insider.
 Sa mga may transaksiyon sa GSIS, maaring tumawag sa Contact Center (8-847-4747) at Facebook page (@gsis.ph).”

Show comments