MECQ sa Metro Manila inirekomenda kay Duterte

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Malacañang na Modified ECQ at hindi ECQ ang inirekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ng University of the Philippines (UP) sa huling pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na ilagay ang Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesper-son Harry Roque, oobserbahan pa ang mang­yayari sa susunod na dalawang linggo at saka magdedesisyon.

Napaulat na ilang senador ang sumusuporta na ibalik sa ECQ ang Metro Manila para mapababa ang bilang ng may COVID-19.

Nangako rin ang mga mayors ng Metro Manila na paiigtingin ang pagpapatupad ng quarantine kabilang ang localized lockdowns.

Nauna rito, binanggit ni Roque na mahalagang balansehin ang kalusugan at ekonomiya sa paglaban sa COVID-19.

Inulit din nito na sa second phase aniya ng National Action Plan ng National Task Force, binibigyan nang mas malaking responsibilidad ang lahat, kasama na ang mga lokal na pamahalaan, ang mga pribadong sektor at ang mga indibidwal.

Show comments