^

Bansa

Lalampas sa 100,000 ang local COVID-19 infections sa Agosto — UP experts

James Relativo - Philstar.com
Lalampas sa 100,000 ang local COVID-19 infections sa Agosto � UP experts
Chine-check ang temperatura ng nakapilang pasaherong ito bago sumakay ng tren, kasabay ng pagkaka-suspindi operasyon ng MRT-3 dahil sa pagtaas ng bilang ng mga empleyado nitong nagawaan ng COVID-19
AFP/Miggy Hilario

MANILA, Philippines — Aabot sa daanlibo ang bilang ng nahahawaan ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Agosto, paglalahat ng ilang dalubhasa mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Martes.

'Yan ang isiniwalat ng math professor na si Dr. Guido David ng UP OCTA Research group sa panayam ng Teleradyo kanina, matapos ang apat na araw na sunod-sunod na libong pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

"'Yung sa nakikita ko, 'yung [trend] niya, hihigit pa sa 100,000 kung hindi natin baguhin 'yung ating sistema ng pag-handle ng ating pandemya," babala ni David.

"Siguro may ilan talaga tayong dapat pag-isipan doon sa solutions natin... hindi masyadong nagwo-work yata."

Ang 24,000 na June 15 projection at 40,000 June 30 projection nina David ay hindi nalalayo sa kasong ini-report ng Department of Health na 23,732 at 37,514 sa mga parehong petsa.

Kahapon lang nang umabot sa 46,333 ang kumpirmadong COVID-19 infections sa bansa matapos madagdagan nang 2,099 sa iisang araw lamang. Apat na araw nang sunod-sunod na libo ang daily increase.

Biyernes nang maidagdag sa listahan ang 1,531 kaso habang pumalo sa 1,494 ang naisama noong Sabado. Nagpatuloy ang trend na 'yan noong Linggo sa bilang na 2,434. Kahapon, 2,099 naman ang naidagdag.

Basahin: COVID-19 cases sa bansa sumipa sa 46,333, dagdag sa nakaraang 4 na araw libo-libo

"Noong nag-[general community quarantine] tayo, mukhang aabot tayo ng 65,000 eh by end of July," sabi pa ng propesor, na lumabas na rin sa kanilang case prediction.

Kasalukuyang nasa National Capital Region at Cebu City ang maiinit na lugar para sa COVID-19. Gayunpaman, may iba nang namo-monitor na hotspots sa mga probinsya na noo'y wala namang mga kaso.

Dahan-dahan na ring umuusbong ang Region IV-4 sa pagdami ng bilang ng nakahahawang sakit, paglalahad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Lunes.

Paano makokontrol?

Sa kabila niyan, nagbigay naman ng kanyang payo ang eksperto kung paano mapapahupa ang pagsipa ng bagong kaso sa mga darating na araw.

"Siguro mas i-monitor natin 'yung borders. 'Yung isolation, very important 'yan kapag na-check tayo ng COVID positive, dapat mong i-isolate kasi hindi na gumagama 'yung home quarantine," dagdag pa niya.

"Sa mobility natin, sa balita namin marmaing na-infect sa mga MRT station... Kailangan na gumawa tayo ng solution para sa mga workers natin, kung paano natin mababiyahe sa mga workplace nila."

Kahapon lang nang itigil ang operasyon ng MRT-3 matapos umabot sa 186 na empleyado nila at ng maintenance provider na Sumitomo ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa bilang na 'yan, 11 ang ticket sellers, tatlo ang driver ng tren, dalawa ang control center personnel habang isa naman ang nurse mula sa Taft station — bagay na pare-parehong nakakasalamuha ng mga pasahero. 

Matagal na ring ipinapanawagan ng iba't ibang sektor ang "mass testing" upang mabilis na maihiwalay ang mga positibo sa sakit, ngunit pinaninindigan ng gobyerno ang kasalukuyang "expanded targeted testing."

Basahin: Palace: Don't say 'mass testing', we can't test everybody

"The term should be 'expanded targeted testing’ okay? No country in the world tests all their citizens. So the term 'mass testing' is wrong," paliwanag ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang press briefing noong Mayo.

"[W]e’re aiming to test, also using statistics as a science ‘no, 1.5 to 2 percent of our population." — James Relativo 

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with