Malacañang natuwa na hindi nagkatotoo ang hula ng UP experts
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Ikinatuwa kahapon ng Malacañang na hindi nagkatotoo ang prediksiyon ng mga researchers ng University of the Philippines na aabot sa 40,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Hunyo.

Hindi napigilan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang magbunyi nang mapagtanto na katapusan na ng buwan kahapon at hindi umano nagkatotoo ang sinasabi ng UP.

“Today is the last day na pala! Ano bang sinasabi ko. Wala na po, panalo na tayo. We beat the UP prediction po. We beat it! So, congratulations, Philippines! Let’s do it again in July,” natutuwang sabi ni Roque.

Una rito, sinabi ni Roque na walang katotohanan na nasa 10,000 pa ang backlog kundi nasa 1,000 na lamang na kung idadagdag sa bilang ng mga may impeksiyon ay hindi pa rin aniya aabot sa 40,000.

Inihayag ni Roque na nananalo ang gobyerno laban sa COVID-19 lalo pa’t bumababa aniya ang positivity rate at tumataas ang bilang ng mga gumagaling.

Aminado si Roque na nakikipagtulungan naman ang mga mamamayan at dapat aniyang patuna­yang muli na hindi totoo ang mga prediction ng UP.

Related video:

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with