MANILA, Philippines — Aminado si Iloilo Rep. Julienne Baronda na dumami ang illegal connections at naging talamak ang pagnanakaw ng kuryente sa Iloilo City dahil na rin sa kabiguan na habulin at panagutin ang mga nasa likod ng “organized business” na ito kaya naman kaisa ito ng lokal na pamahalaan na wakasan na ang nagaganap na electricity pilferage.
Ang pahayag ni Baronda ay bilang reaksyon sa inilunsad na crackdown ni Iloilo City Mayor Jerrry Treñas laban sa organized group na nasa likod ng talamak na pagnanakaw ng kuryente matapos na rin makumpirma na nasa 30,000 ang illegal connections sa lalawigan sa ilalim ng Panay Electric Company(PECO).
Ang paglobo ng bilang ng mga gumagamit ng mga electric jumpers ang sanhi ng pagtaas ng systems loss na umabot na sa 9.3 percent, ang halaga ng nakaw na kuryente na ito ay ipinapasa rin sa lehitimong consumers kaya tumataas ang kanilang binabayarang singil sa kuryente.
“Electricity pilferage has become a practice because the violators have gotten away with their crime but this should be put to a stop. The electricity pilfered or stolen are being charged to the others who religiously pay their dues.This is not fair,” pahayag ni Baronda.