Katubigan sa Davao Oriental niyanig ng 6.6 magnitude na lindol

Satellite image ng Generoso, Davao Oriental
Imahe mula sa Google Maps

MANILA, Philippines — Niyugyog malakas na 6.6 magnitude na lindol malapit isang bayan sa Mindanao, ayon sa ulat ng Phivolcs, Huwebes.

Ayon sa state volcanologists, naitala ang epicenter ng lindol sa katubigan malapit sa Governor Generoso, Davao Oriental, bandang 4:50 p.m.

Pero dahil sa hindi ito nangyari sa kalupaan, mababa lang ang naiulat "intensity" ng lindol na naramdaman ng mga residente.

Intensity III ang naramdamang pag-uga ng lupa sa Kiamba, Sarangani, na "weak" earthquake kung ituring ng PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale (PEIS).

Samantala, "slightly felt" naman ito sa sentrong lungsod ng General Santos City matapos mai-record ang Intensity II roon.

Wala pa namang inaasahang pinsala mula sa nasabing lindol, ngunit inaasahan ang mga karagdagang pagyanig (aftershocks).

Kahit na malakas ang lindol sa ilalim ng tubig, hindi naman inaasahan ang mapaminsalang pagragasa ng tubig patungo sa lupa.

"A strong earthquake with a preliminary magnitude of 6.6 occurred Governor Generoso, Davao Oriental on 04 June 2020 at 04:50 PM (Philippine Standard Time) located at 05.55 ºN, 127.17 ºE with depth of 134 km," sabi ng ahensya.

"No destructive tsunami threat exists based on available data." — James Relativo

Show comments