Duterte sa Davao pupulungin ang IATF

Ayon kay Sec. Roque, sa Davao na rin magbibigay ng public address si Pangulong Duterte kaugnay sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
King Rodriguez/Presidential Photo, file

MANILA, Philippines — Mananatili pa hanggang Huwebes (Hunyo 4) si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa Davao rin pupulungin ng Pangulo ang Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) na lilipad mula sa Metro Manila.

Ayon kay Sec. Roque, sa Davao na rin magbibigay ng public address si Pangulong Duterte kaugnay sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Pangalawang beses nang bumiyahe sa Davao City ang Pangulo simula nang alisin ang Metro Manila sa enhanced community quarantine.

Show comments