China posibleng mauna sa COVID-19 vaccine

Una nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na puspusan ang paglikha ng bakuna ng SinoPharm, ang pinakamalaking pharmaceutical company sa China.
AFP/Nicolas Asfouri

MANILA, Philippines — Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na mauunang makalikha ng bakuna kontra sa COVID-19 ang bansang China.

Ayon sa Pangulo, posibleng sa Setyembre ay available na ang gamot para sa nasabing virus.

Una nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na puspusan ang paglikha ng bakuna ng SinoPharm, ang pinakamalaking pharmaceutical company sa China.

Nasa second phase na umano ng trial ang kumpanya sa bakuna.

Inimbitahan na rin umano ng kumpanya ang Pilipinas na lumahok sa clinical trials para sa COVID vaccine.

Show comments