‘Online classes,’ anti-poor

Tinawag ni House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang ‘online classes’ na ‘anti-poor’ na sinasang-ayunan naman ng mga grupo ng estudyante dahil maraming mahihirap na mag-aaral ang walang computer at internet sa kanilang tahanan.
Jesse Bustos/File

MANILA, Philippines — Higit na magpapabi­gat sa hirap na pinapasan ng mga estudyante at kanilang mga magulang ang ‘online classes’ na isinusulong ng Commission on Higher Education (CHED) dahil hindi lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay  may access na mapabilang sa ‘digital world’.

Tinawag ni House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang ‘online classes’ na ‘anti-poor’ na sinasang-ayunan naman ng mga grupo ng estudyante dahil maraming mahihirap na mag-aaral ang walang computer at internet sa kanilang tahanan.

Una rito, hinimok ni CHED Chairman Prospero de Vera ang mga kolehiyo at unibersidad na gumamit muna ng mga alternatibong sistema ng pag-aaral, kasama ang ‘online learning’ at hindi nila ito ipagbabawal.

Ayon pa sa mambabatas, hindi rin magi­ging mabisa ang ‘online learning’ dahil sa napakabagal na internet sa bansa na lalo pang pinabagal ng kasaluku­yang krisis.

 

Show comments