Solo parent na pulis exempted sa COVID duty

Ayon kay Banac, inatasan na ni Gamboa si Major Gen. Reynaldo Biay, Director for Personnel and Records Management, na magsagawa ng accounting sa mga solo parent na pulis gayundin sa mga mag-asawang pulis na nasa frontline duties o naka-deploy tulad sa mga checkpoint kaugnay ng paglaban sa COVID 19.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Sa gitna na rin ng banta ng panganib sa novel coronavirus disease 2019 o COVID 19, hindi na pinagdu-duty bilang frontliner ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Archie Gamboa ang mga pulis na solo parent o mag-isang bumubuhay sa kaniyang pamilya.

Sinabi ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac na ikinonsidera ni Gamboa ang inisyatibong ito upang bigyang proteksyon ang kapakanan ng mga miyembro ng pamilya partikular na ang mga anak ng mga pulis.

Show comments