UP students, nakatuklas ng ginger-calamansi concentrate para sa COVID-19 frontliners

MANILA, Philippines — Nakatuklas ang dalawang BS Food Technology students ng UP-Diliman ng ginger-calamansi concentrate na tinawag na Lucal bilang pagpalakas ng resistensiya ng mga health workers at frontliners na gumagamot sa mga pasyente na may may COVID-19.

Ang dalawang 4th year UP Diliman food tech students na sina Meghan Sevilla at Sofia Tagle ay nagsabing ang Lucal na vitamin C-enriched drink ay maaaring ihalo sa maligamgam at malamig na tubig. 

Ang unang batch ng Lucal ay naibigay sa mga empleado ng Philippine General Hospital at Lung Center of the Philippines. 

Ayon sa dalawang mag-aaral, gagawa pa sila ng mas madaming Lucal para mabigyan ang mas maraming bilang ng frontliners na nasa ibang mga pagamutan.

Show comments