^

Bansa

Senators sa DOH: ‘Mag-mass testing vs COVID-19’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Nanawagan ang mga senador sa Department of Health (DOH) na magsagawa ng mass testing sa gitna ng paglaban sa COVID-19.

Sinabi nina Senators Panfilo Lacson, Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian at Leila de Lima, kritikal ang mass testing para agad matukoy ang mga positibo sa COVID-19. Kapag natukoy na ang mga positibo ay agad silang mahihiwalay, matutulungan at hindi na makakahawa pa kaya tiyak itong makakapagligtas.

NIlinaw naman ni Hontiveros na hindi lahat ng 100 milyon Filipino ang sasailalim sa mass testing kundi ang mga may sintomas, mga high risk o senior citizens at ang mga may exposures tulad ng mga health workers.

Nanindigan naman si Lacson na reliable ang rapid test kits na ilang minuto lamang ang binibilang para malaman ang resulta nito, subalit ayaw umanong makinig ng DOH dito.

Para naman kay Gatchalian, mahalaga ang mass testing para mapigilan ang paglaganap ng virus at kung mabilis ang pagsusuri ay mahihiwalay ang mga positibo at mga kasama nito sa gayun ay hindi ang buong komunidad ang paralisado at hindi makapaghanapbuhay tulad ngayon.

Iginiit naman ni de Lima na magkaroon ng mga karagdagang testing facilities para hindi na magkahawa-hawa pa ang mga tao.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with