Kaso ng Covid sa Pinas lumagpas na sa 2K

MANILA, Philippines  — Lumobo sa 2,084 ang bilang ng positibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas habang nasa 88 na ang mga nasawi sa sakit, base sa update ng Department of Health kahapon ng hapon.

Sa Case Bulletin No. 17 dakong alas-4:00 ng hapon, nasa 538 bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag. Binigyan sila ng Patient Number 1,547-PH2,084.

Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang pagtaas ng bilang ay dahil sa pagdami na ng operational na mga COVID-10 laboratory testing centers at mga testing kits.

Sampu namang pasyente ang tuluyang nasawi para tumaas ang tala ng DOH sa 88.  Walo sa mga nasawi ay pawang mga senior citizen na.

Related video:

Related video:

Show comments