"He came back fr spain unwell. Finally got a test 2 nights ago, getting better at home, wala pang result," sabi ni Sen. Imee Marcos sa isang pahayag na ibinigay sa mga reporter.
The STAR/Edd Gumban, File
Bongbong Marcos 'hindi maganda ang kalusugan', COVID-19 test result hinihintay
James Relativo (Philstar.com) - March 26, 2020 - 11:06am

MANILA, Philippines — Sumasailalim na sa mga pagsusuri ng espesyalista ang dating senador at anak ng dating diktador na si Bongbong Marcos para sa kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19), matapos manggaling sa ibang bansa.

"He came back fr spain unwell. Finally got a test 2 nights ago, getting better at home, wala pang result," sabi ni Sen. Imee Marcos sa isang pahayag na ibinigay sa mga reporter.

Pero paglilinaw ni Imee, okay naman daw ang kanyang lagay at ng inang si dating first lady Imelda Marcos: "Mom n i ok."

Ugong-ugong ngayon na "intubated" si Marcos sa isang dambuhalang ospital sa Taguig, matapos ilutang ang ilang dokumento ng kanyang medical findings.

Sa kumakalat na papel na pinetsahang ika-22 ng Marso, itinuturong patient under investigation (PUI) si Bongbong at pinaghihinalaang may pneumonia, bagay na madalas maging komplikasyon dulot ng COVID-19. 

Sa kabila nito, pinabubulaanan ni Imee na nasa ospital ang kanyang kapatid. Na-confine lang daw sa ospital si Bongbong ngunit kasalukuyan na raw nasa bahay.

Kontrobersyal ang pamilya ni Marcos dahil sa 21 years na pamumuno ng kanilang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, na idinidiin sa kaliwa't kanang human rights violation at katiwalian noong Martial Law.

Nobyembre 2018 nang mapatunayan ng Sandiganbayan na nagkasala sa pitong counts ng graft ang asawa ng diktador at ina nina Imee na si Imelda.

Bagama't guilty, hindi pa naikukulong si Imelda dahil sa katandaan— may mga ulat mula sa News5 at BusinessWorld

Antabayanan ang mga detalye sa balitang ito.

BONGBONG MARCOS IMEE MARCOS IMELDA MARCOS NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with