Bola ng PCSO suspendido

MANILA, Philippines — Suspendido ang bola o operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang matiyak ang kalusugan ng mga empleyado, ahente, tumatangkilik sa laro ng PCSO at sambayanang Pilipino.

Sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma, na napagkasunduan din na maglaan pa ng karagdagang P1 bilyong pondo bilang ayuda sa pamahalaan para sugpuin ang COVID-19.

Ayon kay Garma, ang suspensiyon ng Lotto, Digit Games at Keno sa buong bansa ay sinimulan nitong Marso 17.

Ang Small Town Lottery (STL) ay suspendido rin ngunit sa Luzon lamang habang ang STL sa Visayas at Mindanao ay isasailalim sa araw-araw na monitoring.

Simula kahapon, Marso 18, ay suspendido na rin ang operasyon ng PCSO sa Lung Center of the Philippines.

Iri-refer na lamang umano ang mga humihingi ng tulong sa pinakamalapit na ospital na may Malasakit Center at iba pang government hospitals.

Show comments