Sinasakyang chopper ng PNP chief bumagsak; 2 heneral kritikal

Eksena sa pagbagsak ng helicopter na sinasakyan ni Philippine National Police Gen. Archie Francisco Gamboa.
The STAR/Russel Palma

MANILA, Philippines —

Bumagsak

ang

sinasakyang helicopter

ng

hepe

ng Philippine National Police na si Gen. Archie Francisco Gamboa,

dahilan para

isugod

siya at

ang

mga

kasama

sa

iba't

ibang

pagamutan

ngayong

umaga.

Kasama ni Gamboa ang pitong iba pa nang bumagsak ito sa Laguna.

Ligtas

naman daw

ang

lahat

ng

mga

sakay

nitong police officers at

piloto na

nagtamo

ng sari-

saring injuries.

Unang

dinala si Gamboa

sa West Lake Hospital

sa Pacita San Pedro, Laguna

habang

dinala

naman

sa South Woods Hospital

ang

iba pa.

Inilipat naman sina Gamboa at pitong iba pa sa St. Luke's Hospital sa Bonifacio Global City sa Taguig, pagkukumpirma ni PNO Calabarzon spokesperson Chitadel Gaoiran sa panayam ng CNN Philippines.

"Nag-uunder pa po ng medication pa po ang ating chief PNP at 'yung mga kasama po niya," bangit ni Gaoiran. 

Samantala, kritikal naman ang kondisyon ng dalawang heneral na kasama ni Gamboa, pagkukumpirma ni Police Lt. Gen. Camilo Cascolan sa ulat ng GMA News.

Kinilala

ang

dalawa

bilang

sina PNP Director for Intelligence Police Maj. Gen. Mariel

Magaway at Director for Comptrollership Police Maj. Gen. Jose Maria Ramos.

Nasa

mabuting

lagay na rin daw

ang 

tagapagsalita

ng PNP na si Police Brig. Gen. Bernard Banac, na

nakasakay din noon

sa

nasabing helicopter. 

Sakay din

ng

nasabing aircraft

ang

dalawang staff members at

dalawang

piloto.

Sinasabing sumalpok sa high tension wire ang sinasakyan nilang Bell 429 chopper dahil sa alikabok, na nagsanhi ng pagbagsak nito.

"Talaga pong... maalikabok po 'yung area. Talagang pong medyo zero visibility po. 'Yun lang po ang napansin namin," dagdag ni Gaoiran.

Nakatakda

sanang

dumalo si Gamboa

bilang resource person

sa Senate

Blue Ribbon Committee hearing

kaugnay

ng

diumano'y money laundering

ng

mga Philippine Offshore Gaming Operators.

Samantala

nananawagan

naman

ng

mga

panalangin si Sen. Ronald

dela Rosa para

kina Gamboa, na

kanyang

binisita

sa

ospital.

Dati ring

hepe

ng PNP si Dela Rosa, na

isa

sa

mga

nanguna

sa "war on drugs"

ni

Pangulong Rodrigo Duterte.

"

Ipagdasal

natin

ang

mabilis na

paggaling

ng

aking

mga

mistah; Gen. Gamboa; Gen. Ramos; Gen.

Magaway; PNP PIO Gen. Banac at

ang

mga

nalalabing

pasahero at flight crew

ng PNP helicopter na

bumagsak

sa San Pedro, Laguna

ngayong

araw,"

sabi

ng

senador sa

Inggles.

Show comments