Murang kuryente, tubig at trabaho sa bagong PSA

MANILA, Philippines — Ang 100% pag-aari ng mga dayuhan sa ‘public utilities’ na may ilang limitasyon sa ilalim ng bagong Public Service Act (PSA) ay magpapamura sa singil­ at magpapahusay sa ser­bisyo ng kuryente, tubig at iba pa, bukod sa lilikha pa ng maraming tra­baho para sa mga Pilipino, ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee.

Ang tinutukoy niya ay ang bagong Public Service­ Act (HB 78) na ipinasa kamakailan ng Kamara na aam­yenda sa dating PSA (Commonwealth Act).

Sa kanyang ‘aide me­moire’ kina House Spea­ker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, sinabi ni Salceda na ang paghihirap ng karaniwang mamamayan ay bunga ng malabong pakahulugan sa ‘public service’ at ‘public utility’ sa ilalim ng 84-taong lumang PSA. Ang ‘aide memoire’ niya ay tugon sa mga isyu kaunay sa HB 78 na siya mismo ang pangunahing nagbalang­kas.

Ipinaliwanag niya na dahil lubhang malaki ang pamumuhunang kaila­ngan­ sa kuryente, telekomuni­kasyon, transportasyon at tubig, at dahil puwera sa mga ito ang dayuhang puhunan, ‘walang kumpetisyon sa mga larangang ito at walang magawa ang mga konsyumer, kaya mahal at madalas palpak ang serbisyo.”

Sa ilalim ng 1987 Kons­titusiyon (Sec. 11, Art. XII), mga Filipino lamang ang maaaring mamuhunan at mag-ari sa mga ‘public utilities’ ngunit hindi malinaw kung ano ang mga ito at wala namang ibang batas na luminaw rito.

Tiniyak ni Salceda na naaayon sa Saligang Batas ang mga amyenda sa PSA na ibinatay rin sa mga desisyon ng Korte Suprema.

Show comments