Metal grinding, welding works sa Skyway steel beam, naging sanhi ng sunog sa Pandacan

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ng San Miguel Corporation (SMC) na isang ‘hot work’ ang naging sanhi ng sunog sa Pandacan, Manila na nagresulta sa pagbagsak ng isang bahagi ng Skyway Stage 3 project na ginagawa ng isang sub-contractor sa ibabaw ng steel beam.

Sa imbestiagsyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pakikipagtulungan ng SMC, sinasabing nagsimula ang sunog sa coping beam 5 ng proyekto kung saan nagsasagawa ng metal grinding at welding activities ang mga trabahador ng isang sub contractor.

Ang nasabing resulta ang nagbasura sa initial findings na nagsimula ang sunog sa labas ng construction yard na ginagamit ng SMC contractor na D.M. Consunji Inc.(DMCI).

“This has been a freak and very unfortunate accident, but we are glad that nobody was hurt. We are also grateful to everyone who responded, especially the BFP, the many volunteer firefighters, rescue teams from Manila, the Philippine National Police,” wika ni SMC president and Ramon S. Ang.

Sinabi pa ng SMC na nakarekober ang mga fire investigators ng gamit nang welding electrodes at isang metal cutting disk o grinding tool na ginagamit ng mga construction workers bago nangyari ang insidente.

Ang pagtalsik ng welding slag ang nagpaningas sa mga karton at iba pang bagay na madaling masunog.

Bukod sa Skyway, na­pinsala rin ng sunog ang mga facilities at properties ng Manila Plastics Plant na nasa ilalim ng San Miguel packaging business.

Ang total damage sa Skyway at packaging facility ay nagkakahalaga ng P1.2 bilyon.

“While this is an unfortunate setback, we have moved quickly to get back on track with the construction. We are working double time to deliver the entire Skyway stage 3 project in five months’ time or by July. This is just a three-month delay from the original target date of April 2020,” dagdag pa ni Ang.

Show comments