^

Bansa

'Cheap': Poe bumwelta sa komentong epal, sipsip ang pagdinig nila ng ABS-CBN franchise

James Relativo - Philstar.com
'Cheap': Poe bumwelta sa komentong epal, sipsip ang pagdinig nila ng ABS-CBN franchise
Sa panayam ng ANC, itinanggi ni Sen. Grace Poe, na chair ng komite, na ginagawa nila ito upang sumipsip sa Kapamilya network at umepal sa susunod na eleksyon.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Hindi nagustuhan ng Senate committee on public services ang tabas ng dila ni Speaker Alan Peter Cayetano matapos atakihin ng huli ang hiwalay na Senate hearing kaugnay ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa panayam ng ANC, itinanggi ni Sen. Grace Poe, na chair ng komite, na ginagawa nila ito upang sumipsip sa Kapamilya network at "umepal" sa susunod na eleksyon.

"Nagiging cheap ang debate kapag nagtatawagan na ng kung anu-anong pangalan," sabi niya sa Inggles. 

"And 'pag gumagamit ka ng ganyan, it means nawawalan ka ng basehan para sa tamang argumento."

Lunes noong nakaraang linggo nang sabihin ni Poe na hindi na nila hihintayin ang Kamara bago maglunsad ng pagdinig sa Senado, sa dahilang makupad ang kanilang pagtugon sa 11 panukalang batas kaugnay ng franchise renewal.

Cayetano: Parang nag-aattendance sa ABS-CBN'

Una nang tinawag na iligal ni Cayetano ang pagdinig gayong sa Kamara raw dapat magsimula ang ang lahat ng panukalang batas na may kaugnayan sa mga legislative franchises.

"There's no question yung iba nagmamalasakit lang. There's no question there are solid supporters of ABS. But yung iba OA na e. Parang doomsday na ang ginagawa para lang makapagsipsip. Hindi yun ang proseso," sabi ng house leader.

"Bakit nag-hearing ang Senate? Anong purpose? Parang nag-aattendance sa ABS-CBN. 'Hello, I'm here, I'm for you.'"

Depensa ng mga senador, hindi iligal ang kanilang pagdinig dahil "franchise violations" at hindi ang mismong pagpapanibago ng prangkisa raw ang kanilang tinatalakay.

Una nang pinaratangan ni Solicitor General Jose Calida ang ABS-CBN na may dayuhang pagmamay-ari ang kumpanya, maliban sa pinatakbo raw nito ang KBO channel kahit "walang permit" sa National Telecommunications Commission.

Ang mga susumunod ang dahilan kung bakit hinihiling ni Calida sa Korte Suprema na ma-revoke ang prangkisa.

Bakit hindi 'urgent'?

Bagama't mahigit dalawang buwan na lang ang nalalabi bago mag-expire ang franchise ng ABS-CBN sa Mayo, nananatili si Cayetano na hindi dapat paspasan ang pagdinig sa franchise bills ng media giant.

Aniya, masyado pa raw "emosyonal" ang usapin sa ngayon.

"Pero dapat by the time na mag-hearing tayo sa Kongreso, malamig ulo nating lahat," sabi niya noong nakaraang linggo.

Ilang araw na ang nakalilipas nang paratangan ni Albay Rep. Edcel Lagman sina Cayetano na ipinababawi raw nila ang lagda ng ilang mambabatas sa resolusyong humihiling ng agarang aksyon sa mga franchise bill.

Dahil sa bagal ng proseso, pinupuna na ng ilang sektor ang Kamara.

Pagtataka tuloy ni Poe, bakit wala pa masyadong ginagawa ang House of the Representatives.

"Hindi ko kwinekwestyon na maraming ginagawa ang [Kamara]. Kami rin [ng Senado], busy rin. Time management lang 'yan," banggit niya.

"Walang makakapagsabi na hindi namin ginawa ang nararapat para bigyan ng pagkakataon ang lahat na magpaliwanang tungkol sa prangkisa."

Habang naiipit ang legislative franchise ng ABS, matatandaang tumakbo si Cayetano sa pagka-bise presidente kasama si ngayo'y Pangulong Rodrigo Duterte.

Dati nang sinabi ni Duterte na ayaw niyang ma-renew ang prangkisa ng kumpanya matapos hindi i-ere ng kumpanya ang aabot sa P7 milyon halaga ng kanyang campaign ads.

vuukle comment

ABS-CBN

ALAN PETER CAYETANO

GRACE POE

HOUSE OF THE REPRESENATIVES

LEGISLATIVE FRANCHISE

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with