^

Pangangailangan ng Benguet tutugunan - solon

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lingid sa kaalaman ng karamihan, na kapag walang sesyon ang kongreso tuwing Biyernes ay inaakyat ni ACT-CIS Congressman Eric Yap ang lalawigan ng Benguet para bisitahin, alamin at hanapan ng solusyon ang mga problema ng mga tao doon.

Si Cong.Yap ang naatasang maging caretaker ng lone district ng Benguet matapos pumanaw noong December 2019 ang re­presentante ng lalawigan sa kongreso na si Cong. Nestor Fongwan.

“Kailangan talagang bisitahin para makita natin, marinig mismo at mabig­yan ng katugunan ang pa­ngangailangan ng mga tao doon sa pamamagitan ng kanilang governor at ma­yors,” ayon kay Cong. Yap.

Kaagad namang nagpasa ng isang resolusyon si Yap sa kongreso na ibalik sa Department of Health (DOH) ang pagpapatakbo ng naturang pagamutan para malagyan na ito ng mga gamot, gamit at additional doctors and nurses.

Kinausap din ni Yap ang hepe ng Department of Agriculture doon para alamin kung ilang kilometrong farm to market roads ang kakailanganin ng distrito para maibaba ng mga tao ang kanilang mga produkto sa bayan at mahingan niya ito ng pondo sa Department of Budget and Management sa lalong madaling panahon.

ACT-CIS BENGUET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with