Ang mga Pinoy na lulan ng MV Diamond Princess ay isinailalim sa quarantine sa naturang cruise ship sa loob ng 14-araw habang nakadaong sa Yokohama Port, matapos na matukoy na maraming pasahero na nito ang nagpositibo sa 2019 coronavirus disease o COVID-19.
AFP/Behrouz Mehri
OFWs mula Japan iku-quarantine sa New Clark City
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kayang i-accommodate sa New Clark City sa Capas, Tarlac ang daan-daang Pinoy na darating bukas mula sa Japan.

Tiniyak kay Health Secretary Francisco Duque III ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na kasya ang mga ililikas na Pinoy sa Athlete’s Village sa New Clark City.

Aniya, mababakante na rin naman ang natu­rang lugar dahil tapos na ngayon ang pag-qua­rantine sa 49 Pinoy, na kinabibilangan ng mga Pinoy na mula sa Wuhan City sa Hubei, China, gayundin ng repatriation team at ang mga crew ng eroplano na nag-uwi sa kanila sa Pilipinas.

Ang mga Pinoy na lulan ng MV Diamond Princess ay isinailalim sa quarantine sa naturang cruise ship sa loob ng 14-araw habang nakadaong sa Yokohama Port, matapos na matukoy na maraming pasahero na nito ang nagpositibo sa 2019 coronavirus disease o COVID-19.

Nabatid na may 538 ang mga Pinoy na sakay ng cruise ship na karamihan ay crew ngunit wala pang pinal na bilang kung ilan sa kanila ang makakasama sa repatriation.

Tiniyak naman ng DOH na hindi kasamang iuuwi sa bansa ang mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 dahil kaila­ngan munang gamutin ang mga ito.

Bago tuluyang pasakayin ng eroplanong mag-uuwi sa kanila sa bansa ay muling isasailalim ang mga ito sa pagsusuri at ang mga makikitaan ng sintomas ng virus ay hindi papayagang makasakay at sa halip ay ididiretso na sa pagamutan upang malunasan.

Sa kasalukuyan ?ay 41 na sa mga naturang Pinoy ang nagpositibo sa COVID-19 at nilalapatan ng lunas sa Japan, ngunit kinukumpirma pa umano nila ang ulat na nadagdagan pa ng tatlo ang naturang bilang.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with