Poultry products mula Czech Republic bawal - DA

MANILA, Philippines — Hindi na muna maaaring maipasok sa Pilipinas ang poultry products ng Czech Republic.

Ito ay makaraang magpalabas ng Memorandum Order No. 13 si Agriculture Secretary William Dar na nag-uutos ng temporary ban sa importasyon ng poultry products ng naturang bansa dahil sa kontaminasyon ng H5N8 Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) doon.

Sa ulat ng State Veterinary ng Czech Republic sa World Organization for Animal Health, may H5N8 outbreak sa naturang bansa.

Bukod sa manok at iba pang mga poultry products, ban din na maipasok sa Pilipinas ang semen, day old chick, wild at domestic chick mula sa Czech Republic.

Ayon kay Dar, layunin ng hakbang na mapanga­lagaan ang poultry industry sa ating bansa at maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan mula sa sakit na idudulot nito sa mga tao.

Show comments