Bakuna sa coronavirus tinatrabaho na ng mga scientist

MANILA, Philippines — Makaraang matukoy ng mga Chinese scientist ang genetic sequence ng bagong coronavirus, sinimulan na ng mga scientific research team ang pagtuklas sa bakuna laban dito.

Dahil hawak na nila ang genetic code, masisimulan na ng mga scientist ang paggawa ng bakuha nang hindi na kailangan ng sample ng virus na kumalat sa China at sa buong mundo.

Umaasa ang mga global health at epidemic response agencies na magkakaroon ng kahit one treatment sa human trials sa loob ng ilang buwan.

Ang mga research group sa buong mundo ay nagbabalangkas na ng mga plano sa pag­subok sa mga bakuna, gamutan at ibang counter measure para mapigilan ang pagkalat ng bagong virus.

Kabilang sa mag-eeksperimento ng bakuna ang kakabuo lang na vaccine research group ng National Institute of Health ng United States.

Tinatrabaho rin ng mga scientist ng University of Queensland sa Australia sa pakiki­pagtulungan ng global health emergency group na Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI)  ang bakuna laban sa naturang sakit.

Show comments